KAMAKAILAN lamang ay nailathala sa MNM ang isang proyekto ng Department of Public Works and Highways sa San Marcelino Street at UN Avenue sa Maynila na ayon sa pahayag ng MNM ay tumagal ng dalawang buwan bago ito matapos at naging perwisyo sa publiko.
Nang makapanayam ng MNM ang ilang mga mag-aaral mula sa Adamson University at isang may-ari ng tindahan sa naturang lugar, sinabing iniwan ng DPWH ang manhole na nakatiwangwang maliban sa kwadradong bakod.
Ngunit nitong Martes (Nobyembre 7, 2023) ay nagbalik ang MNM sa nasabing manhole at napansin ang biglang pagbabago sa isang maayos na daloy ng trapiko sa kalsadang iyon at ang dahilan ay naayos na at natapos ang naturang proyekto.
Lubos na nagpapasalamat ang mga residente na nakatira malapit sa lugar, lalo na ang mga mag-aaral ng unibersidad sa paligid, sa pagtatapos ng proyektong ito.
Nagpapasalamat din ang pamunuan ng Maharlika NuMedia sa maagap na aksyon ng DPWH upang maiwasan ang traffic congestion sa kalsadang iyon at para na rin sa kaligtasan ng mga taong dumaraan dito.
(Benjamin Cuaresma/ai/mnm)