Tatlong araw bago ang pinakahihintay ng lahat, ang pagdiriwang ng Pasko, masigla nang nagdagsaan ang mga mamimili ng lechon sa La Loma, Quezon City, nitong Biyernes (22 Dec 2023).
Sa panayam at paglilibot ng MnM, napag-alaman na ang presyo ng lechon, tatlong araw bago ang Pasko ay pumalo na sa P1,200 kada kilo.
Ayon sa mga tindero, maaari pa itong tumaas sa bisperas ng Pasko, bukas, Sabado (24 Dec 2023), hanggang sa pagpasok ng Bagong Taon.
Sinabi ng isang tindero na nakakabenta ng 80 piraso ng lechon kada araw, inilalako rin ng ibang mamimili ang negosyo sa kanilang lugar sa pamamagitan ng “Buy and Sell.” Malaki rin anila ang kanilang kita mula rito.
(Benjamin Cuaresma/IAMIGO/MNM)