Kinalap ni Benjie Cuaresma
NAGKAROON ng iba’t ibang reaksyon ang mga jeepney driver at isang opisyal ng Bagong Silang Cooperative hinggil sa Pantawid Pasada program ng pamahalaan sa ilalim ng Public Transport Program.
Ayon sa jeepney drivers, iilan lamang sa kanila ang nakatanggap ng P6,500 na subsidiya mula sa gobyerno, at ito ang nagdulot ng pag-aalala sa kanilang hanay.
Ayon sa kanila, ang halagang P6,500 ay nakalaan lamang sa mga operator, at wala o kulang ang ayuda para sa mga driver.
Hindi lahat ng operator ay nagbibigay ng sapat na bahagi ng subsidiya sa kanilang mga driver, kahit na sila ang nagpapakahirap sa kalsada.
Binanggit din nila ang pagkakaiba ng P10,000 na subsidiya para sa mga bagong jeepney kumpara sa mga tradisyonal na jeepney. Inaasahan sana nila na magiging patas ang pamamahagi ng tulong pinansyal mula sa gobyerno.
Nakuha rin sa eksklusibong panayam ni Benj Cuaresma ng MNM ang mga opinyon ng mga indibidwal na nakatambay sa isang malaking jeepney terminal sa Bayan ng Novaliches, Quezon City.
(ai/mnm)