“HATAW” ang tawag sa mga pasaway na jeepney drivers na kung makaasta ay parang sarili nila ang kalsada at walang respeto sa mga batas ng kalsada at sa kanilang mga kapwa motorista.

Ito ang naaktuhan ng Maharlika NuMedia sa bahaging ito ng Quirino Ave. sa Quezon City, malinaw na makikita ang tahasang pag-counterflow ng mga jeepney driver na patungong Novaliches, Blumentritt kung kaya nakisali na rin ang mga pribadong sasakyan at motorsiklo.

Napag-alaman din ng MNM na nawawala ang mga enforcer o kahit na isang tauhan man lang sana ng barangay na dapat sana’y nagpapatupad ng kaayusan sa trapiko sa mga lugar kung saan madalas mangyari ang mga aksidente dulot ng mga pasaway na pampasaherong jeepney drivers na gumagamit ng maling linya.

Nakunan din ng mismong video Man-On-The-Street (MOTS) photographer/videographer at MNM reporter na si Benj Cuaresma na nagtiyagang umantabay mula alas-3 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi upang maipakita mismo sa atin kung gaano kadelikado ang ginagawang counterflow ng mga jeep at kung paano nila nilalabag ang mga batas sa trapiko, at walang respeto sa kanilang kapwa motorista.

(ai/mnm)