PAGLILIPAT NG ILANG PROGRAMA NG DEPED NA NASA CONFIDENTIAL FUND SA REGULAR FUNDING PINAG-AARALAN NG SENADO
By Dang Samson Garcia
PAG-AARALAN ng Senado kung maaaring ilipat sa regular funding ang ilang gastusin na nasa ilalim ng confidential fund ng Department of Education para sa 2024.
Ito ang binigyang-diin ni Senate President Juan Miguel Zubiri upang hindi lumobo ang hinihinging confidential fund ng ahensiya.
Partikular na tinukoy ng Senate leader ang pagpopondo sa pagtatayo ng Last Mile Schools na naglalayong mailayo ang mga estudyante sa mga komunista.
“Kung kaya natin ilagay sa regular budget nila, kung may tulong sa Last Mile Schools advocacy na mawala ang communist rebels, influence sa mga last mile school tingnan natin kung baka puwedeng ilagay ‘yan sa kanilang Maintenance and Other Operating Expenses na lang o capital outlay,” pahayag ni Zubiri sa panayam ng DWIZ.
“Kung magtatayo ng additional infrastructure like dorm type facility para hindi na kailangang bumalik at umakyat teachers dyan para mabantayan nila ang population at hindi maimpluwensiyahan that can be done through insertion in capital outlay, halimbawa lang po ‘yan,” paliwanag ni Zubiri.
“Kung pwede ilagay sa MOOE o personnel services puwede natin gawin para hindi lolobo ang CIF ng ahensiya na sa tingin namin, hindi dapat makakuha ng ganun kalaki,” giit pa ng senador.
Una nang binuo ng Senado ang Special Oversight Committee on Confidential and Intelligence Fund upang masuri ang paggastos ng pondo ng mga ahensiya ng gobyerno.
Ito ay upang matukoy kung dapat pang tanggalin, tapyasan o dagdagan ang hinihinging confidential at intelligence fund ng mga departamento ng pamahalaan.
By Dang Samson Garcia
SENATE President Juan Miguel Zubiri assured his leadership will not agree on scrapping the Free Tertiary Education Act following the statement of Finance Secretary Benjamin Diokno that the program is unsustainable.
“I think that is the best thing that happened to the Philippines. Nung pinirmahan ito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, umiyak po ako, honestly naging sentimental ako. Hindi ko akalain na pipirmahan ni Pangulong Duterte ‘yan kasi ang daming kumokontra sa economic team niya. Malaki raw. Bubukol sa budget ng bansa,” Zubiri said in an interview over DWIZ.
“Kung problema natin kahirapan, the best way to combat it is education,” he added.
The Senate leader agreed though, there is a need to review the guidelines being implemented to ensure that only those poor but deserving students will benefit from the program.
“Ako pabor ako diyan na lagyan ng guidelines ng CHED pagdating sa pagpili. Nakinig po ako sa interview ni CHED Chairman Popoy de Vera, yung State Universities and Colleges sa iba’t ibang parte ng bansa tulad ng Bukidnon, Batangas, ang mga estudyante dyan mahihirap at deserving na makapasok,” he explained.
“I think ang issue ay University of the Philippines. Tama po ‘yan ang dami nang mayayaman na gustong pumasok sa UP na kaya naman nila magbayad kahit gaano kalaki and I think there should be special category if they are deserving to go to UP dapat bayaran nila tuition nila,” Zubiri added.
The senator recommended to implement again UP’s Socialized Tuition and Financial Assistance Program or STFAP, which is the bracketing of UP students according to their family’s financial status.
“Ako ay pabor na pagdating sa mayayaman na estudyante, dapat hindi sila state subsidize…We can look into that. That’s a good reform, pero possibly sa UP lang ito. Kasi sa iba like sa PUP at iba pang SUC galing talaga sa lower class at middle class yan,” the Senate leader stressed.