Pinaimbestigahan ngayon sa himpilan ng pulisya Kampo Krame ang isang kernel sa Batangas City dahil umano sa pagiging pasimuno nito sa ilegal na sugal sa halos buong Calabarzon.

Sa sumbong na ipinarating sa punong himpilan ng kapulisan sa Quezon City ay sinabing hindi lang umano protektor ng mga ilegalista ang naturang police colonel kundi siya mismo ay may sariling bookies ng mga ipinagbabawal na sugal kagaya ng jueteng.

“Ang paglaganap ng ilegal na sugal sa halos buong rehiyon ng Calabarzon, katulad ng jueteng, lotto at small town lottery bookies, at iba pa, ay natitiyak naming hindi mangyayari kung naging tapat lang si kernel at ang ikanyang mga tauhan sa kanilang sinumpaang tungkulin,” pahayag ng nagsusumbong na konsehal ng Lipa City, na nakiusap na itago ang kanyang pagkakakilanlan para sa kanyang kaligtasan.

Kinilala ng nagsumbong na konsehal ang nasabing opisyal ng PNP na isang alyas kernel RISU, na ipinagyayabang ng mga ilegalista sa buong Batangas na kumikita ng isang milyon-pisong arawang kubransa mula sa kanyang sariling mga ilegal na bookies.

Si kernel RISU ay bantog sa erya ng Lipa dahil kinikilala umano ito bilang natatanging hari o supremo ng mga ilegalista sa buong Batangas.

“Hindi siya pinakikialaman ng kanyang mga bossing sa regional headquarters ng kapulisan ng Calabarzon dahil sa ipinagyabang ng kanyang mga tauhan na kanyang koneksiyon sa nakaupong PNP chief na si Gen. Rommel Marbil.

Pero itinatanggi naman ng opisina ng hepe ng buong kapulisan sa Kampo Krame na walang katotohanan ang ipinamamalita ng mga ilegalista na may pagkonsente si Gen. Marbil, hindi lang sa sinasabing supremo ng ilegaliata sa Batangas, kundi sa lahat na miyembro ng kapulisan na may gawaing tiwali o ilegal. (END)