PAGBUNGAD mo pa lamang sa Philippine General Hospital (PGH) ay ito na ang eksenang tatambad sa iyo:

Gutom, pagod, at puyat ang dinaranas ng mga pasyente at mga kasamang kamag-anak na galing pa sa malalayong lugar.

Nakapanayan mismo ang mga pasyenteng ito ng Maharlika NuMedia na ayon sa kanila ay madaling araw pa silang nagsiluwas muila sa kani-kanilang tahanan.

Ang tanging hinihingi  nila ay ang mas mapabilis pa sana ang proseso ng PGH nang sa gayon ay hindi na rin sila mahirapan pa.

Matutunghayan sa video ang kaunting panayam ng MNM sa mga pamilya ng mga payente at ang eksena  kung saan nakapila ang mga ito at bakas sa mga mukha ang pagod, puyat at gutom.

(Report & Video by Benjie Cuaresma/ai/mnm)