Kasabay ng pagdiriwang ng Ika-160 kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio, makikita ang mga militanteng grupo na nagsagawa ng malakihang kilos- protesta sa lansangan mula sa Kalaw Avenue patungo sa Embahada ng Estados Unidos sa Roxas Blvd. bago ito nagtapos sa Mendiola, Maynila.
Sinubukan ng mga grupo na makalapit sa Embahada ng Estados Unidos, ngunit hinarang agad sila ng mga guwardya at ng mga tauhan ng Manila Police District.
Bitbit ng mga militanteng grupo ang malalaking placard kung saan nakasulat ang kanilang mga hinaing at sigaw-panawagan sa administrasyong Marcos.
Hiling nila na mabigyan ng mabilis at konkretong solusyon upang itaas ang suweldo ng mga manggagawa at maiahon ang bansa mula sa kahirapan.
Tunghayan ang video ng iba’t ibang militanteng grupo na kinabibilangan ng Bagong Alyansang Makabayan, Kilusang Mayo Uno, Bukluran ng Manggagawang Pilipino, Alliance of Genuine Labor Organizations, National Confederation of Labor, All Workers Unity, Transport Groups, at mga grupo ng kabataan.
(Benjamin Cuaresma/ai/mnm)