CALAMBA, Laguna — Tuloy-tuloy ang Serbisyong Tama ni Gob. Ramil Hernandez ng Laguna at ng maybahay niyang si Congresswoman Ruth Hernandez ng Second District, partikular sa pagtitiyak ng pagbibigay ng maayos at dekalidad na public health care service system sa kanilang lalawigan.

Ito ay matapos palawakin pa ang benepisyong kaakibat ng Serbisyong Tama Health Card Program o mas kilala sa tawag na Blue Card, na isa sa mga pangunahing programa ng panlalawigang pamahalaan sa ilalim ni Gob. Hernandez

Dahil dito ay inaasahang libo-libong mga residente ng Laguna lalo na iyong nasa hanay ng mahihirap, ang higit pang makikinabang sa mas pinalakas na serbisyong medikal na hatid ng mas pinaigting na public health care service system sa ilalim ng blue card program.  

Ang pagpapalawak ng benepisyo ay bilang tugon sa tumataas na pangangailangang medikal at hospitalisasyon sa probinsya higit ng mga kapus-palad na residente ng Laguna.

Sa ilalim ng mas pinaganda at pinaunlad na programa, lahat ng blue card holder ay maaari nang magpakonsulta at magpagamot ng libre kahit saan sa hindi bababa sa siyam na pagamutang pambayan sa lalawigan.

Bukod sa hospitalisasyon ay libre na rin ang mga gamot ng mga benepisaryong card holder.

Ang siyam na ospital ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna kung saan maaaring lumapit ang mga pasyente ay ang mga sumusunod:  Laguna Medical Center sa Sta. Cruz; mga provincial hospitals na kinabibilangan ng San Pablo District Hospital; J.P. Rizal Memorial District Hospital sa Calamba City at Gen. Cailles Memorial District Hospital sa bayan ng Pakil.

Maaari ring magtungo ang mga pasyente sa Nagcarlan District Hospital; Luisiana District Hospital; Majayjay District Hospital; Bay District Hospital at San Pedro District Hospital.

Kung sakali naman na sinawing-palad na hindi makaligtas sa kanyang sakit ang blue card holder, o ‘di kaya ay nasawi sa aksidente, kalamidad at katandaan, ay magagamit pa ring dagdag na benepisyo ang blue card, para makakuha ng burial assistance ang kanyang mga naulilang mahal sa buhay.

Ang lahat ng mga lehitimo at rehistradong botante ng Laguna na may edad 18  pataas, nasa wastong pag-iisip at nabibilang sa mahirap na pamilya ay maaaring maging miyembro ng Serbisyong Tama Health Card Program.

Matatandaang  nagbunga ang pagsisikap at adbokasiya ni Rep.  Hernandez na magkaroon ng sariling regional hospital sa kanilang lalawigan na kanyang isinulong sa Kongreso simula pa noong 2019 o limang taon na ang nakararaan.

Ito ay matapos na tuluyang maisabatas at pirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ngayong buwan ng Nobyembre ang RA 12071 na tinatawag na “An Act Establishing in the Municipality of Bay, Province of Laguna, A Level 3 General Hospital To Be Known as Laguna Regional Hospital.”

Ipinaliwanag ni Rep. Hernandez na ang Laguna Regional Hospital ay katulad ng Batangas Medical Center o PGH, kung saan ang kanyang hangarin ay mapalawak ang access sa serbisyong medikal at pangkalusugan ng mga mamamayan sa kanilang lalawigan at maging ng mga taga kalapit probinsya nila.

Sinabi ni Rep. Hernandez na principal author ng batas na inaasahan niyang agarang makapagbibigay ng serbisyong medikal ang pagamutan sa pamamagitan ng P150 million na inisyal na pondo, habang itinatayo ang kabuuan ng Laguna Regional Hospital.

Itinuturing din niya na tagumpay ng bawat Lagunense ang pagkakaroon ng isang regional hospital sa kanilang lalawigan dahil hindi na nila kailangang magtungo pa sa ibang lugar para magapamot ng kanilang mga karamdaman.

Ia/mnm

Dahil sa umano’y Ilegal na pagpasa ng 2025 P3.302-B budget
PHOTOS: Laguna Gov. Ramil Hernandez (PDI photo courtesy) & Cabuyao City Mayor Dennis Hain

MANILA — Matapos ulanin ng mga puna at batikos si Mayor Dennis Felipe Hain ng Cabuyao City, Laguna dahil sa kabiguang makatanggap ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ng lungsod para taong ito, muli na naman siyang nahaharap sa kontrobersiya, at sa pagkakataong ito ay kasama na niya at nadamay ang buong city council.

Ito ay matapos maisapubliko ang liham ni Gob. Ramil Hernandez para sa mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod na may petsang Oktobre 22, 2024, kung saan ay kinastigo niya ang mga ito dahil hindi naaayon umano sa batas ang pagpasa ng P3,302,726,464 na pondo ng lungsod para sa susunod na taon.

Binigyang-diin ni Gob. Hernandez sa kanyang liham na hindi naaayon sa Local Government Code of 1991 at iba pang umiiral na batas ang ginawa ng city council na pagpasa ng pondo na hindi dumaaan sa tamang proseso at deliberasyon.

Ang pagkastigo ni Gob. Hernandez ay base na rin sa sulat na ipinadala sa kanya ni SP Secretary Atty. Venus C. Velasco, MPAf, na naglalahad ng ilang tahasang paglabag ng konseho sa pagpasa ng nasabing pondo.

“Please be reminded that as Members of the Honorable August Body of the Sangguniang Panlungsod of the City of Cabuyao, you are mandated to comply with the provisions of the Local Government Code of 1991 relative to the Preparation of 2025 Annual Budget and its subsequent approval,” pagdidiin ni Gob. Hernandez sa kanyang liham.

Sa ulat ni SP Secretary Velasco na pinatotohanan at sinang-ayunan ni Vice Mayor Atty. Leif Laiglon A. Opiña, sinabi niya na nangyari ang puwersahang pagpasa ng budget sa regular session na idinaos   noong October 15, 2024.

Base sa salaysay ni SP Secretary Velasco, naghain ng mosyon si City Councilor Jaime Onofre Batallones na siya ring sponsor ng ordinansa, para ipasa ang pondo, para sa una, pangalawa at ikatlong pagbasa na inaprubahan naman ng buong konseho.

Nangyari, aniya, ang pagpasa at pag-apruba ng tinawag na “Ordinance of the Local Expenditure program (LEP) for FY 2025 in the amount of PHP3,302,726,464” nang wala umanong ibinibigay na anumang kopya sa kanyang tanggapan at maging sa opisina ni Vice Mayor Opiña.

Ang pagbibigay ng kopya ng nasabing mosyon sa tanggapan ni Vice Mayor Opiña ay base na rin sa itinatadhana ng batas bilang siya ang presiding officer ng Sangguniang Panglungsod.

Sa kanyang liham ay pinagsabihan ni Gob. Hernandez ang mga kasapi ng Sangguniang Panglungsod na pairalin ang kanilang katapatan sa paglilingkod at pagsunod sa mga inuutos ng batas.

“I trust that our shared commitment to transparent governance will guide us in addressing this concern and fostering a collaborative legislative environment moving (forward),” diin pa ni Hernandez.

Una nang nagpadala ng liham si Gob. Hernandez kay Mayor Hain kaugnay ng paglabag umano nito sa mga umiiral na batas at patakaran kaugnay ng local expenditure program.

Ang kanyang liham ay bilang tugon din sa reklamo ni Sangguniang Panglungsod Secretary Atty. Velasco.

Maging si Bise Gobernador Karen Agapay ay nagpadala rin ng liham kay Hain kung saan ay tinukoy niya ang mga paglabag nito sa alituntunin ng batas kaugnay ng nasabing usapin.

Ito ay dahil na rin sa kapansin-pansin na sa lahat ng anim na lungsod ng Laguna ay tanging Cabuyao City lamang ang hindi kinilala ng DILG at binigyan ng gradong pasado sa SGLG.

Governor Ramil Hernandez

STA. CRUZ, Laguna – The province of Laguna, the birthplace of the country’s national hero Dr. Jose Rizal, has seen remarkable progress and recognition under the leadership of Governor Ramil Hernandez.

Through his “Serbisyong Tama” platform, Laguna has garnered praise for its service-oriented governance and integrity, resulting in significant improvements across various sectors.

On August 23, 2024, Laguna was named the 2nd Most Competitive Province in the country by the Department of Trade and Industry (DTI) during a ceremony at the Manila Hotel. This prestigious recognition was based on the province’s performance in five key areas: Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, Resiliency, and Innovation.

According to the DTI, provincial rankings are determined through a weighted average of scores from cities and municipalities within the province, factoring in population and income. This recognition highlights Laguna’s impressive advancements in economic development and governance efficiency.

In addition to the DTI accolade, Laguna was honored earlier this year by the Department of Social Welfare and Development (DSWD) during its 73rd anniversary celebration in Batangas City. The province was named the Most Active Provincial Social Welfare and Development Office and received the 2023 Good Practice Award, underscoring its commitment to serving underserved communities.

The DSWD praised Laguna for its effective implementation of programs like the Serbisyong Tama Health Card, also known as the Blue Card Program, which has significantly improved healthcare access for residents.

A statement from the DSWD read:

“Ginawaran ang Lalawigan ng Laguna ng nasabing mga parangal dahil sa agresibong pagpapatupad ng mga programang nakikinabang ang mga hindi nasusustentuhang sektor, at sa mabisang pagganap ng Serbisyong Tama Health Card o Blue Card Program, kung saan ang Laguna ay naging regional winner.”

Laguna’s commitment to development was further recognized on July 10, 2024, when President Ferdinand Marcos Jr. honored the province during the 2024 Presidential Awards Ceremony for Micro, Small, and Medium Enterprises. Laguna was named Outstanding Development Partner for Southern Luzon in the category of Improving Access to Markets.

Governor Hernandez’s leadership has been pivotal in transforming Laguna into one of the country’s most progressive provinces. In December 2023, the Department of the Interior and Local Government (DILG) awarded Laguna the 2023 Seal of Good Local Governance (SGLG). The province was the only one in the CALABARZON region to receive this prestigious honor, a testament to its transparency, integrity, and high service standards.

The DILG remarked:

“Ang paggawad ng SGLG Award sa Laguna ay sumasagisag sa lalawigan sa paglalakbay nito tungo sa mabuting pamamahala sa lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga pamantayan ng transparency, integridad, at mahusay na serbisyong pampubliko.”

Governor Hernandez’s leadership has been instrumental in transforming Laguna into a model of progress. Focused on public service, transparency, and sustainable development, the province continues to thrive and serve as an example for others to follow.

As Laguna advances, it remains committed to the core values that have driven its success: service with integrity, accountability, and an unwavering pursuit of progress. Under the banner of Serbisyong Tama, Laguna’s future looks brighter than ever.

ia/mnm

Laguna Gov. Ramil Hernandez

STA. CRUZ, Laguna — Laguna’s political scene has seen some tension recently, as certain critics of Gov. Ramil Hernandez have started circulating false rumors, aiming to discredit his leadership and diminish his accomplishments.

In response to these claims, the Office of Gov. Hernandez released the Commission on Audit’s (COA) annual reports for 2022 and 2023 on Wednesday (Nov. 13). The move was intended to set the record straight and demonstrate the transparency and integrity of his administration.

The COA’s annual audit is a comprehensive review of a government agency’s financial operations, including an auditor’s certificate, financial statements, and any relevant recommendations for improvement.

2022 COA Report: Qualified Opinion

For 2022, COA Regional Director Atty. Resurreccion C. Quieta, in a letter dated May 24, 2023, expressed appreciation for Gov. Hernandez’s full cooperation, which helped the audit process run smoothly. The audit aimed to verify the accuracy of the provincial government’s financial statements, assess the legitimacy of financial transactions, and ensure compliance with applicable laws and regulations.

After completing the audit, COA issued a qualified opinion regarding the province’s financial statements. This means that while the auditors found some material misstatements, they were not significant enough to warrant a negative or adverse opinion on the overall financial health of the province.

2023 COA Report: Unmodified Opinion

For the following year, COA’s audit was even more favorable. In a letter dated June 10, 2024, Atty. Quieta again thanked Gov. Hernandez for his full support. After a thorough review, COA issued an unmodified opinion, meaning the auditors concluded that the financial statements were presented fairly and in accordance with the relevant financial reporting guidelines.

An unmodified opinion is the highest rating an audit can receive, indicating strong financial management and compliance with government regulations.

Political Reactions and Public Perception

Despite these positive audit outcomes, some political observers believe there are still efforts to discredit Gov. Hernandez and his wife, Congresswoman Ruth Hernandez. However, many political analysts remain confident that the Hernandez family’s track record of public service will speak for itself. They believe the people of Laguna are well aware of the Hernandez couple’s commitment, integrity, and ability to lead.