Ayon sa isang survey ng SWS (Social Weather Station), sa third quarter ng taong kasalukuyan ay bahagyang bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom, magmula sa 10.4 porsiyento ay naging 9.8 porsiyento.
Lumabas sa SWS survey na 2.3 milyon ang pamilyang nakaranas ng gutom sa nakaraang tatlong buwan at ito ay mas mababang bahagya kumpara sa 2.4 milyon noong nakaraang taon, buwan ng Disyembre.
Ano ba talaga ha, ate at kuya?
Upang mabigyan ito ng linaw’ay nagsagawa ang Maharlika Nu Media ng Man On The Street (MOTS) actual interviews sa ilang ordinaryong mamamayan sa Metro Manila tungkol sa isyu.
May nagsabing katamaran ng ibang tao ang dahilan kung kaya sila nagugutom.
Sa ilan pang nakapanayam ng MnM, sinabi nila na mas naniniwala sila na bumaba ang bilang ng Pilipinong nagugutom, kailangan lang anila na magsipag ang mga ito.
Mayroon din namang nagsabi na hindi siya naniniwala sa survey sa hunger rate sa bansa.
Sa apat na nakapanayam ng MnM-MOTS, tatlo ang nagsabing naniniwala silang mas kakaunti ngayon ang nakararanas ng gutom sa ilalim ng administrasyong Marcos at isa ang nagsabing mas marami ang nakararanas ng guton.
Tunghayan natin ang iba’t ibang reaksiyon ng mga subjects na nakapanayam ng MnM sa mga video at photo na narito.
(Benjie Cuaresma/I. Amigo/mnm)