Ni Liezelle Soriano

UMABOT sa 244 ang bilang ng mga karahasan na  naitala sa pagdaraos ng barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE), ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ang datos na ito ng Comelec ay nagmula sa Philippine National Police (PNP).

Saklaw nito  ang huling araw ng Oktubre, ayon pa sa poll body.

Samantala, umabot naman sa 19 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa kasagsagan ng eleksiyon.

“We hope this will be the end of it,” wika ni Comelec Spokesperson Rex Laudiangco.

“Though the figures are quite high, they are really low compared to the figures from the 2013 and 2018 barangay elections, where we had more than 300 election-related incidents and deaths,” dagdag pa niya.

Sinabi pa niya na karamihan sa  mga nasawi  ay nagmula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Aniya, karamihan sa mga napatay ay mga tagasuporta o kamag-anak ng mga kandidato.

(AI/MNM)