Ni Liza Soriano
MANILA — Naghain ng resolusyon si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na naglalayong imbestigahan ang serye ng mga insidente ng hacking at data breach na kinasasangkutan ng mga website ng gobyerno.
Layon din ng Senate Resolution 829 na matukoy kung ang umiiral na mga hakbang sa cybersecurity sa mga ahensiya ng gobyerno na humahawak ng mahahalagang impormasyon sa pambansang seguridad ay sapat.
Ito ay upang masuri ang kasalukuyang kapasidad ng pamahalaan upang ma-secure ang mga kritikal na strategic infrastructure mula sa cyberattacks at iba pang potensyal na banta.
“The breach of personal and sensitive information kept by government agencies endangers the safety and security of all Filipinos—leaving us even more vulnerable to increasingly nefarious schemes involving text message spams, online scams, phishing, financial fraud, extortion, blackmail, and identity theft,” giit ni Hontiveros.
Nitong Linggo, na-hack din ang website ng House of Representatives at kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ito nitong Lunes.
Kamakailan ay na-hack din ang system ng Philippine Health Insurance Corporation, Department of Science and Technology, Philippine National Police at ang Philippine Statistics Office.
Naghain din si Senador Mark Villar ng katulad na resolusyon na humihimok sa Senado na imbestigahan ang cyberattacks da mga website ng PhilHealth at iba pang ahensiya ng gobyerno.
(ai/mnm)