Ni Liezelle Soriano
IBINALIK na sa puwesto si Teofilo Guadiz III bilang chairperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos bawiin ng testigo ang kanyang sinumpaang salaysay laban sa opisyal.
Sinabi ng Office of the Executive Secretary (OES) na inalis na ang suspensiyon kay Guadiz makaraang bawiin ni dating LTFRB aide Jefferson Tumbado ang mga paratang ng katiwalian laban kina Guadiz at Transportation Secretary Jaime Bautista.
“The Office of the President lifted the suspension order imposed upon LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III after Jefferson Gallos Tumbado, who appears to be the sole witness in his case, executed an Affidavit of Recantation withdrawing his statements and allegations against him,” pahayag ng OES.
“As such there stands no reason to place Chairperson Guadiz under preventive suspension unless a supervening event maintaining the same accusations against him are put forth before the OP,” dagdag pa nito.
Inaasahang babalik na sa opisina si Guadiz sa Lunes, Nobyembre 6.
Matatandaang inakusahan ni Tumbado si Guadiz na sangkot umano sa mga katiwalian ngunit kalauna’y binawi rin niya ang akusasyon.
(ai/mnm)