By Liezelle Soriano

SISIMULAN sa Setyembre 25 ang pilot run ng bagong K-10 curriculum sa basic education sa mga piling eskwelahan sa bansa, ayon sa Department of Education.

Nasa 35 eskwelahan ang lalahok sa pilot run ng MATATAG K-10 curriculum na inilunsad noong Agosto 10.

Batay sa listahang ibinigay ng DepEd sa mga miyembro ng media, limang eskwelahan ang napili sa bawat isa sa pitong rehiyon na lalahok sa pilot testing.

Ang mga lalahok na eskwelahan ay ang mga sumusunod:

Cordillera Administrative Region

  • Calafug ES
  • Rizal Elementary School
  • Dona Aurora NHS
  • Lam-ayan Integrated School
  • Bineng NHS

National Capital Region

  • Dampalit Integrated School
  • Santiago Syjuco Memorial School
  • Muzon ES
  • Tinajeros NHS
  • Santiago Syjuco Memorial ISS

Region 1

  • Cabaruan Integrated School
  • Caba CES
  • Acao Elementarv School
  • Casacristo NHS
  • Don Rufino Olarte MNHS

Region 2 

  • Cauayan North CS
  • Dingading IS
  • Villa Teresita PS
  • Lanna National High School
  • Gen. Emilio Aguinaldo NHS

Region 7

  • Tindog Integrated School
  • San Fernando North CES
  • Tabogon Central ES
  • Dumanjug NHS
  • Liloan NHS

Region 12

  • Mlang Pilot ES
  • Lamlifew Integrated School
  • Alegria Central ES
  • Malalag NHS-Upo Annex
  • Alegria NHS

CARAGA

  • Baobaoan IS
  • Suyangan ES
  • Santiago CES
  • Socorro NHS
  • Pedro D. Duncano NHS

Ang phased implementation ng bagong K-10 curriculum sa mga mag-aaral sa Kinder, Grade 1, Grade 4, at  Grade 7 ay sisimulan sa School Year 2024-2025.

Susundan ito ng Grades 2, 5, at 8 sa SY 2025-2026; Grades 3, 6 at 9 sa SY 2026-2027; at  Grade 10 sa SY 2027-2028.