APAT na katao ang inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos tangkang guluhin ang legal na operasyon ng Small Town Lottery sa Albay province.
Dalawa sa mga inaresto ay kinilalang sina Ferlixberto Manuel at Enrique Somera, samantalang dalawang iba pa ang hindi pa matukoy ang pangalan.
Sina Manuel at Somera ay binibigyan ng pagkakataong makapagpiyansa ng halagang tig-30,000 bawat isa base na rin sa ‘inquest resolution’ na nilagdaan ni Assistant City Prosecutor Ma. Czarina S. Lanuzo ng Ligao City Prosecutors Office.
Sila ay ini-inquest ng mga operatiba ng CIDG Albay sa pangunguna ni Master Sergeant John Julius Salas.
Nabatid na nitong nakalipas na April 23, nagtungo ang grupo ng mga suspect sa tanggapan ng Royal Fortune Gaming Corporation sa Washington Drive, Legaspi City.
Nagpakilala umano ang mga suspect na sila ang bagong grupo at opisyales ng Royal Fortune Gaming Corporation, bagay na itinanggi ng mga namamahala nito.
Ang Royal Fortune Gaming Corporation ang legal na may hawak ng prangkisa sa operation ng STL sa Albay province, base na rin sa ibinigay na pahintulot sa kanila ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Bitbit ng mga suspect ang isang ‘board resolution’ ng naturang kompanya na isang peke at huwad, ayon na rin sa pamunuan nito.
Sa presinto, sinabi ng mga suspect na napag-utusan umano sila ng isang alyas Anthony A upang ipatupad ng pekeng dokumento ng hawak ng mga ito na naging dahilan din ng agaran nilang pagkakaaresto sa pulisya.
Nabatid na mismong PCSO officials ang nagsabing hindi pa nababago ang mga opisyales ng Royal Fortune Gaming Corporation at hinihinalang may isang grupo lamang ang nais manggulo sa STL operation sa lalawigan.
Si Anthony A, ayon na rin sa importante ay tayo naman ng mag-aaswang negosyante na tinukoy sa pangalant Mr. And Mrs. Reyes at ang padrino nila ay isang alyas Lagman.
Kakuntsaba rin umano ng mga ito ang mga nagngangalang Jun DS at Jayson M.