Ni Liezelle Soriano
MANILA — Ibinasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang kasong grave threat na isinampa ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang resolusyon na may petsang Enero 9, 2024, sinabi ng prosecutor na walang sapat na ebidensiya para kasuhan si Duterte sa korte.
Ayon sa resolusyon, hindi mapatutunayan ang banta, na sinabi umano ni Duterte sa telebisyon at livestream.
“[T]he Office finds it quite unusual, if not ridiculous for a person to make a public pronouncement of death threats…especially so considering that such individual, like [the] respondent, is already in an advanced age and not any more immune from criminal prosecution,” ayon sa resolusyon.
Dalawang beses hindi dumalo si Duterte sa imbestigasyon.
Sa kanyang orihinal na complaint-affidavit, sinabi ni Castro na binantaan ni Duterte ang kanyang buhay sa kanyang mga pahayag sa October 11 episode ng kanyang TV program na Gikan sa Masa, Para sa Masa sa SMNI News Channel.
(el Amigo/MNM)