SENATOR Ramon Bong Revilla, Jr. on Thursday (July 20) said that he is confident that President Ferdinand Bongbong R. Marcos, Jr. will concretely address urgent national concerns during his second State of the Nation Address on Monday (July 24).
“Tiwala ako na tututukan ng ating presidente sa darating niyang SONA ang mga issue na nangangailangan ng agarang atensyon katulad ng presyo ng mga bilihin, pagtaas ng sahod ng mga manggagawa, pagpaparami pa ng disenteng trabaho, paglutas sa problema ng kahirapan, at pagpapaigi ng edukasyon. Siguradong kalakip nito ang mga magiging konkretong hakbang ng ating pangulo para matugunan ang mga ito,” Revilla said.
The veteran lawmaker further detailed what he is expecting to hear from the president as the following national issues are perceived to be the FIlipino people’s utmost concern.
“Puno ako ng kumpyansa na ilalatag ni PBBM paano tuluyang mapapababa ang presyo ng mga bilihin. Kung tutuusin, limang buwan nang tuloy-tuloy na bumabagal ang inflation at ang 5.4% June 2023 inflation rate ang pinakamababa sa loob ng 13 na buwan. Kaakibat nito ang pagtugon sa kahirapan at gutom na nararanasan ng ating mga kababayan. Kaya aabangan rin natin ang kanyang magiging polisiya ukol dito.”
Revilla highlighted the president’s performance in stimulating the economy during his first year in office, citing the July 2023 report of the Asian Development Bank forecasting the country’s GDP growth to be maintained at 6.0% this year which is 1.2% higher than the bank’s growth projection of 4.8% for developing economies in Asia and the Pacific.
ADB attributed the country’s growth to robust investment, private consumption, rising employment, expanding production, retail sales, and brisk private and public construction. “Inaasahan rin natin na tatalakayin ng presidente ang kanyang mga hakbangin upang maparami pa ang mga kalidad at disenteng trabaho na pwedeng pasukan ng ating mga manggagawa, pati na ang pagtataas ng kanilang mga sahod. Inaasahan at importante sa atin ito dahil sa Senado ay naghain rin tayo ng panukala para bigyan ng dagdag sahod na P150 ang lahat ng ating mga manggagawa.”
“Katuwang ang ating Bise Presidente at DepEd Secretary Sara Duterte, sigurado rin tayo na babanggitin ng Pangulong Bongbong Marcos ang magiging roadmap kung paano mas mapapaganda ang lagay ng ating buong education sector. Sana ay mabanggit rin ng ating presidente kung paano matutulungan i-angat ang allowances na natatanggap ng mga titser. Sa Senado ay kasangga nila ako para gawing permanente ang P10,000 teaching allowance ng mga guro.”
Revilla cited the President’s high approval rating, saying it is a good indicator that the administration’s first year in office is in the direction. The Senator expressed confidence that the Marcos administration will continue to build on the gains of its maiden year, especially that he was able to smoothly shepherd his administration’s priority legislation.
“Nakikita at nararamdaman naman natin ang bunga ng pagsusumikap ng ating pangulo para pagandahin ang buhay ng bawat isang Pilipino. Kaya naman patuloy na nanatiling mataas ang kanyang approval at satisfaction rating sa sambayanan.Lalo na’t tinupad talaga niya ang kanyang mga pangako na magpasa ng mga makabuluhang batas na tunay na makakatulong sa ordinaryong Pilipino. Kaya nakakasigurado tayo na patuloy pa niyang bibigyang halaga ang paglutas sa mga pangunahing hamon na ating kinakaharap,” said the solon.
“Unang-una na diyan ang Maharlika Invest Fund Act na naglalayong mapalago ang pondo ng ating gobyerno para makalikha pa ng mas maraming trabaho at matugunan ang kahirapan. Kamakailan lang ay naisabatas rin ng ating pangulo ang New Agrarian Emancipation Act na nagpalaya sa ating mga magsasaka sa pagkalubog sa utang dulot ng kanilang lupang sinasaka,” he added.