By Liezelle Soriano
IPINAGTANGGOL ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro ang hinihiling na P150 milyong confidential funds ng Department of Education.
Para sa 2024, iminungkahi ng DepEd ang nasabing confidential funds kaugnay ng seguridad ng mga estudyante.
Subalit tinutulan ito ng mga mambabatas at sinabing dapat ipaubaya ang surveillance activities sa intelligence gathering agencies ng pamahalaan.
“The youth are the most impressionable targets for potential influencing,” sabi ni Teodoro sa panayam sa ANC nang tanungin kung sang-ayon siya sa confidential funds ng DepEd.
“I mean they would be the most vulnerable targets for exploitation by malefactors or those who wish ill against this country.”
Ngunit ipinunto ni Teodoro na ang mga ahensiya na humihirit ng confidential funds ay dapat bigyang-katwiran ang kanilang kahilingan.