Ni Liza Soriano

PINUNA ng mga senador ang paulit-ulit na pagtatangka ng Chinese maritime militia na harangin ang supply ships ng Pilipinas hanggang sa magkabanggaan ang mga ito sa West Philippine Sea.

Nasa loob ng territorial waters ang supply ships ng Pilipinas patungo sa BRP Sierra Madre sa West Philippine Sea nang muling mangyari ang panghaharang ng barko ng Tsina sa loob pa mismo ng teritoryo ng Pilipinas.

Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi ng mga senador na ang insidente ay nagpapakita sa patuloy na pagwawalang-bahala ng China sa internasyonal na batas.

Ito ay matapos ang “dangerous blocking maneuvers” ng Chinese Coast Guard vessel na naging sanhi ng pagbangga nito sa isang Philippine resupply boat.

“China has no right to drive away our troops from our waters. And they have even less right to harm and collide with the Filipino ship that is only doing its job in our own territory,” ayon kay Senadora Risa Hontiveros.

Nagpahayag din ng pagkabahala si Sen. Grace Poe na posibleng tumaas na tensyon sa rehiyon sa insidente.

“While an immediate diplomatic protest is anticipated, the recent incident calls for a serious rethinking of our strategies in dealing with these acts,” sabi ni Poe.

“As we firmly assert our rights in our waters, fortifying our relations with like-minded states must continue to thwart similar belligerent actions,” dagdag pa niya.

(ai/mnm)