INILABAS na ng Philippine Practical Shooting Association (PPSA) ang listahan ng mga Filipino shooter na kakatawan sa Pilipinas sa 2024 IPSC Rifle World Shoot III na gaganapin sa Oulu, Finland sa August 4-9.
Ang IPSC o International Practical Shooting Confederation ay isang samahan ng mga professional shooter mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Taunan itong pinaghahandaan ng mahuhusay na Pinoy shooters na mga miyembro ng PPSA.
Hinati sa dalawang katergorya ang torneo kung saan tatlong grupo ang isinama sa Team Members category na may kabuuang 12 participants at 20 kalahok naman ang inihanay sa standard semi-auto at open semi-auto category.
Sila ay sina:
TEAM MEMBERS
Team Standard – Alan Lao, Jeremy Sua, Tristan Vergel Sablada at Nolan Inso
Team Open – Jesus Victor Anthony Martinez Jr., Nino Aspe, Teodorico Salud at Lemuel Ian Larcia
Team Open Senior – Gerardo Cruz, Marc Oliver Arthur Marcelino, Felecito Garcia at Reynold Cainto
INDIVIDUAL COMPETITORS
Standard Semi Auto – Jose Carlos Coruna, Cirilo Miguel Coruna (Super Junior), Emelito Sarmiento (Super Senior), Reginald Torrejos (Senior) at Philip Benjamin Santos (Super Senior)
Open Semi Auto – Ramil Alcantara, Michael Aguilar (Senior), Pol Joseph Bernabe, Michael Bernardo, Dexter Calizo, Francis Estayan, Nixon Go, Alvin Hung, Aline Lepasana, Florencio Liong Jr., Lily Floor Oostindien (Lady Senior), Eduardo Quirino (Senior), Harold Quinagoran, Marco Antonio Soliman at Bennie Mamaed.