Ni Liza Soriano
PORMAL nang inaprubahan ngayong araw (Miyerkules, 02 Agosto 2023) sa third and final reading ang Senate Bill No. 1806 o ang panukalang Bill of Rights and Obligations of Taxpayers na inakda ni Senador Lito Lapid at inisponsoran ni Senador Win Gachalian.
Sa ginawang botohan, 22 Senador ang bumotong pabor sa panukalang batas.
Sinabi ni Lapid na kabilang sa mahahalagang probisyon ng panukalang batas ay ang paglalatag sa mga karapatan at mga obligasyon ng bawat taxpayer.
Layunin din ng panukala na mabigyan ng wastong kaalaman ang mga taxpayer, mapabilis at maayos ang pagbabayad ng buwis, gayundin maiwasan ang mga pang-aabuso.
(“The Bill defines the rights and obligations of taxpayers. The objective of the bill is to make paying tax easier to understand and free from abuse. The bill also creates the office of the National Tax Advocate whose job will be to educate and assist taxpayers.”)
Noong July 26, 2023, ay inaprubahan ng mga Senador sa second reading ang nasabing panukala.
Nananawagan naman si Senador Lapid sa mga kasamahang mambabatas sa Kamara de Representantes na ipasa sa lalong madaling panahon ang counterpart bill para maging ganap na itong batas. (ai/mnm)