Ni Liezelle Soriano
NAGLAGAY ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga sticker para sa isang hotline kung saan maaaring magsumbong ang mga commuter sakaling maging biktima ng harassment at diskriminasyon sa mga pampublikong sasakyan.
Ito ay bahagi ng pagpapatupad ng Republic Act No. 11313 o ang “Bawal Bastos Law,” na ipinasa noong 2018.
“Kailangan ‘yung ating mga driver, konduktor, or any transport employees ay maging vigilant din sila sa mga sumbong ng mga pasahero at kailangan po silang umaksyon dahil kung hindi meron din silang penalty,” sabi ni LTFRB Spokesperson Joel Bolano.
Ang hotline ng LTFRB sa “bawal bastos” ay 1234.
Sa ilalim ng Safe Spaces Act, “any unwanted and uninvited sexual actions or remarks against any person” sa pampublikong lugar ay maaaring maparusahan.
“The State also recognizes that both men and women must have equality, security and safety not only in private, but also on the streets, public spaces, online, workplaces and educational and training institutions,” nakasaad sa Republic Act No. 11313. (ai/mnm)