Ni Liezelle Soriano
MAAARING umabot sa mahigit 1,000 ang disqualification cases laban sa mga kandidato sa barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE), ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia nitong Sabado.
“Sa mga susunod na araw, asahan na baka umabot pa sa mahigit 1,000 ang ipa-file ng (Comelec) task force na disqualification cases,” pahayag ni Garcia sa isang panayam sa radyo.”
Sa Lunes (Oct 02), nasa 40 pa ang ipa-file na disqualification cases,” dagdag pa niya.Sa ngayon, sinabi ni Garcia na umabot na sa 3,600 ang kanilang naisyuhan ng show cause order.
Kadalasan, ang nilalaman ng show cause order na galing sa Comelec ay humihingi ng karampatang paliwanag mula sa isang akusado kung bakit hindi siya dapat na madiskwalipika.
Ayon pa sa Comelec, nagsampa na ito ng disqualification cases noong Biyernes laban sa 35 kandidato sa BSKE dahil sa umano’y premature campaigning.”
Ang naisyuhan natin ng show cause order sa buong bansa ay almost 3,600 na… Sa 3,600, ‘yung 35 sinampahan na ng disqualification case… Hopefully makapagdesisyon bago ang BSKE sa October 30,” aniya.