Ni Liezelle Soriano
BUMABA ang approval ratings nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte-Carpio, ganoon din ang sa dalawang pinuno ng dalawang kapulungan ng Kongreso, ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na inilabas ngayong araw ng Lunes (02 Oct 2023),
Mula sa 80 porsiyento sa survey noong Hunyo, bumaba sa 65 porsiyento ang approval rating ni Marcos, habang bumaba naman si Duterte-Carpio mula 84 porsiyento sa 73 porsiyento sa parehong panahon.
Gayunpaman, ang approval rate ni Duterte-Carpio ay nananatiling mas mataas kaysa kay Marcos.
Sinabi ng Pulse Asia na nangangahulugan pa rin ito ng pagpapahalaga ng mga Pilipino sa kanilang pagganap sa trabaho bilang mga pinuno ng bansa.
Bumaba rin ang approval rating ng dalawang pinuno ng mataas at mababang kapulungan.
Bumaba ang trust rating ni Senate President Juan Miguel Zubiri mula 56 noong Hunyo sa 50 noong Setyembre.
Bumaba rin ang approval rating ni House Speaker Martin Romualdez mula 52 sa 41.
Isinagawa ang survey mula Setyembre 10 hanggang 14, taong kasalukuyan.
(ai/mnm)