Mga laro bukas:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – TNT vs NortPort
7:30 p.m. – Ginebra vs San Miguel

NAITALA ni Bong Quinto ang anim sa huling pitong puntos ng Meralco upang makumpleto ang 86-83 panalo laban sa Terrafirma sa PBA Philippine Cup nitong Miyerkoles sa Araneta Coliseum.

Humataw si Quinto ng 18 points, kabilang ang 16 sa second half, upang tulungan ang Bolts na maiposte ang ikalawang sunod na panalo kasunod ng 91-73 pagdispatsa sa Barangay Ginebra.

Isang three-pointer ni Quinto, may 2:01 ang nalalabi, ang nagbigay sa koponan ng 82-81 kalamangan at hindi na lumingon pa.

Binigyang kredito ng dating Letran Knight, na nagtala rin ng 7 rebounds at 4 rebounds at perfect 2-of-2 mula sa three-point range, ang kanyang teammates sa panalo.

“Basketball ito hindi lang naman ito isang player lang, so pag naglaro kami as a team, sa tingin ko maganda ‘yung resulta every game,” anang Meralco guard.

Nakakuha rin ng suporta ang Meralco kina big man Norbert Torres, at starting center Raymond Almazan.

Tumapos si Torres na may 15 points at 5 rebounds, at  2-of-2 rin sa arc.

Nagdagdag si Almazan ng 14 points, habang kumamada sina Chris Newsome, Jolo Mendoza, at Aaron Black ng pinagsamang 21 points, haband nagposte si Newsome ng 8 rebounds at 8  assists.

Iskor:

Meralco (86) – Quinto 18, Torres 15, Almazan 14, Black 7, Mendoza 7, Newsome 7, Banchero 6, Maliksi 6, Hodge 4, Pascual 2, Jose 0, Rios 0.

Terrafirmia (83) – Tiongson 20, Holt 20, Gomez de Liano 11, Ramos 11, Sangalang 6, Go 4, Camson 4, Carino 4, Cahilig 3, Mina 0, Calvo 0, Alolino 0.

Quarterscores: 19-25; 39-46; 63-65; 86-83.