Ni Liza Soriano

NANINIWALA  ang liderato ng Senado na nasa desisyon na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung muling papasok ang Pilipinas sa International al Criminal Court (ICC) o hindi.

Ito ang iginiit ni Senate President Juan Miguel Zubiri at hindi, aniya, ang mga senador ang magpapasya rito.

Nilinaw ito ni Zubiri  mataoos ang  pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na kailangan munang pumayag ng Senado bago muling makapasok sa ICC ang Pilipinas.

Paliwanag pa ni Zubiri, ang Pangulong Bongbong Marcos ang dapat magdesisyon dito bilang chief foreign policy maker ng bansa.

“Whether to re-enter or to remain out of the jurisdiction of the ICC is not a decision we the Senators make. It is the decision of the President of the Republic being the Chief foreign policy maker of our country,”  sabi pa ng Senate President.

“Tanging si Marcos lang ang nararapat magdesisyon at lahat ay ingay  lang  kung dapat ba tayong muling pumasok  o hindi sa ICC,” dagdag pa ng pinuno ng Senado.

Ayaw rin umanong magkomento ni Zubiri  tungkol dito dahil dapat ay  hintayin na lamang muna ang desisyon ni PBBM tungkol dito.

Samantala, si dating Senate President Franklin Drilon ay nagbigay rin ng kanyang pahayag tungkol dito na kawangis din ng mga sinabi ni Zubiri.

(ai/mnm)