ANG sira-sirang kalye na narito ay nagdulot na ng hindi lang 10 taon na abala sa mga nagmamaneho at mga naninirahan sa MGM Sitio sa gitna ng Caloocan City.
Natuklasan ng Maharlika NuMedia na ito’y isang pribadong kalsada noon na pinahintulutan ng may-ari na gamitin nang pansamantala, at hindi nila inaasikaso ang mga problema nito.
Ang ilang residente ay nagpahayag na noong una, maayos at maganda ang kalagayan ng kalsadang ito bago ito ginamit ng lokal na pamahalaan na pampubliko.
Subalit sa loob ng mahigit 10 taon, walang atensiyon o tulong na ibinigay ang gobyerno para ayusin ito.
Karamihan sa mga residente ay umaasa na sana ay mapansin sila ng pamahalaang lungsod ng Caloocan at maayos ang kalsadang ito bilang pasasalamat sa may-ari sa pagpapahintulot sa pansamantalang paggamit nito, at bilang tulong sa mga nakatambay sa lugar na ito.
(Ulat at potograpo ni Benjie Cuaresma/ai/mnm)