Ni Liezelle Soriano
MAHIGPIT na binabantayan ngayon ang Subic dahil sa umano’y mga isyu ng smuggling, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Ito ay matapos ang P3.6 bilyong halaga ng hinihinalang shabu na pumasok umano sa daungan nito at napunta sa isang bodega sa Pampanga.
Sinabi ni Remulla na nakumpiska ng mga awtoridad ang 530 kilos ng hinihinalang droga noong Miyerkoles ng gabi.
“Subic ang mainit ngayon, actually Subic din ang na-pinpoint namin na source ng maraming smuggling sa bansa. That’s why we have to watch over Subic,” sabi ni Remulla.
Aniya, may Thai markings ito na ang nakalagay ay “chicharon” at dog food.
“Definitely may foreign involvement kasi international syndicate that we are talking about, ano talaga very sophisticated ito… It’s [a] world menace,” ani Remulla. (ai/mnm)