Ni Liza Soriano
MANILA — Hindi umano dadalo ang mga miyembro ng House of Representatives (HOR) sa imbestigasyon ng Senado sa people’s initiative para amyendahan ang Saligang Batas, ayon sa isang ranking leader ng Kamara.
“While we appreciate Senator Marcos’ open invitation to the Senate probe, it seems we in the House have our hands full crafting legislation aimed at enhancing the lives of our fellow Filipinos. It’s a demanding task, but someone’s got to do it,” sabi ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe.
“Perhaps while we focus on building bridges, others seem more inclined to hunt for witches. But rest assured, should our legislative schedule allow, we’d be more than willing to engage in fruitful discussions, preferably ones that construct, not deconstruct, our collective efforts for national progress,” dagdag pa niya.
Sa ilalim ng inisyatiba, magkakasamang boboto ang mga senador at kongresista sa mga panukalang charter change, sa halip na magkahiwalay bilang dalawang kapulungan ng Kongreso.
Ang magkasanib na pagboto ay mangangahulugan na ang 24 na miyembro ng Senado ay hihigit sa bilang ng mahigit 300 mambabatas ng HOR.
(el Amigo/MNM)