NABUKING ang Metro Manila Development Authority sa sobrang mahal na pagbili nito ng body-worn cameras nang komprontahin ng isang senador ang grupo ng hepe nitong si Don Artes sa mali umanong pag-uulat sa mga nahuling lumabag sa paggamit ng bus lane sa Edsa.
Hindi pa natukoy kung ilang milyong-pIso ang nagastos sa pinaniwalaang overpriced procurement body-bodycam na mabibili lang sa halagang P20,000 sa lehitimong supplier.
Sa pagharap nina Chairman Artes at traffic enforcers nito kay Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla ay tinanong ng senador kung may bodycam silang ginamit sa pagtupad ng kanilang trabaho.
Ang naging tugon sa tanong ng senador ang nagbunyag na ang regular na presyo ng body-worn cameras na nagkakahalaga lamang ng hindi hihigit sa P20,000 ay binili ng MMDA sa halagang P60,000 bawat isa.
Sa pagkabunyag ng pinaniwalaang overpriced procurement na bodycam ay agaran namang nanawagan ang ilang mambabatas na imbestigahan at kastiguhin ang mga opisyales ng MMDA na mapatunayang nasa likod ng posibleng procurement anomaly.
Kasama nang pinaimbestigahan sa Kamara ang iba pang umano’y mga maanomalyang procurement ng iba’t-ibang kagamitan ‘tulad ng mga trak na panghakot ng basura.
Kasama na ring ipinabusisi ang umabo’y mga projects sa naturang ahensiya na umabot sa higit bilyong-pisong halaga na kwestiyunable umano ang proseso at ilan pa sa winning bidders ay pinagdudahang pag-aari ng, o kasosyo ang, mismong matataas na opisyal ng MMDA at Commission on Audit.
Sa komprontasyon nina Sen. Revilla at grupo ni Chairman Artes ay sinahi ng mambabatas na napakalaki ng pondong inilaan ng MMDA sa pagbili ng body cam na magsisilbing ‘mata’ sa mga operasyon ng ahensiya.
“Hindi ba mayroon kayong body cam, tapos ang laki ng pondo ng MMDA sa body cam, P60,000 per camera, pero you believe sa mga hearsay tapos babanggitin nyo sa media, para mag-name drop ng senador na hindi kayo sigurado at based on hearsay lang,” pagsita ng senador sa grupo ni Charman Artes
Nauna nang inihayag ni Revilla na ipatatawag niya ang MMDA at nagbantang ipare-recall pa ang budget nito makaraang pagbintangan siya na nahuling dumaan sa Edsa bus lane. (END)