MANILA — Tuwing sasapit ang Kapaskuhan, asahan na ang mahabang pila sa pamosong bilihan ng hamon sa Echague, Quiapo sa lungsod na ito.
Ngayong Christmas Eve (24 Dec 2023), lalong mahaba ang pila at siksikan na ang mga mamimili alas-7 pa lamang ng umaga.
Nakaugalian na rin ng mga Pilipino na ang hamon ay isa sa mga pagkaing nakalatag sa hapag kainan at pinagsasaluhan ng mga pamilya sa Noche Buena at Media Noche.
Ang Excelente ay isang tanyag na bilihan ng mga hamon na dekada nang dinarayo ng mga pamilya na kulang ‘ika nila ang handaan kung walang nakalatag na hamon, mapa-Pasko man o Bagong Taon pati na rin sa mga ordinaryong handaan.
Tunghayan ang video ng mga tauhan ng Excelente na abala sa pag-aasikaso ng mga mamimili na nagsisiksikan sa kanilang tindahan.
(Benjamin Cuaresma/IAMIGO/MNM)