Mga ka-TikTok! Dahil sa inyong mainit na suporta, extended na ang #SeniorDigizen: Teach Me How To Digi TikTok contest ng Globe hanggang Oktubre 8, 2023. Tamang-tama ito sa pagdiriwang ng Elderly Week! Kaya’t may extra time pa para gumawa ng mas maraming masasayang video na nagpapakita ng tech journey nina lolo at lola.

Inilunsad noong Setyembre 10, 2023 kasabay ng Grandparents Day, ang #SeniorDigizen challenge ay isa nang hit at marami nang Gen Z at millennials na nag-share ng kwento ng kanilang mga lolo, lola, o magulang sa mundo ng digital. Dahil dito, naka 2 milyong views na agad ang video sa TikTok!

“Nagpapasalamat kami sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa #SeniorDigizen campaign kaya naman ini-extend pa namin ang deadline ng contest. Hindi lang ito magbibigay daan para mas maraming pamilya ang makasali, ipinapakita rin nito ang aming dedikasyon sa pag-promote ng digital literacy sa mga senior. Nakakataba ng puso na makita ang mga kabataan na tinutulungan ang kanilang elders na matuto ng digital,” ayon kay Yoly Crisanto, Chief Sustainability at Corporate Communications Officer ng Globe Group.

Ang top 25 entries ay may pagkakataong manalo ng mga premyo mula sa Globe na aabot sa Php 75,000. At syempre, dapat handa rin ang mga winning lolo at lola na lumahok sa mga learning session bilang parte ng #SeniorDigizen Ambassador program.

Bilang bahagi ng partnership kasama ang KonsultaMD, ang mga maswerteng seniors ay makakakuha ng one-year family health subscription, essential medicine, vitamins, cataract screenings, arthritis screening, at ultrasound sa anumang parte ng katawan sa RVEC Specialty Clinics, hearing test sa isa sa 15 Manila Hearing Aid Centers, at free eye check-up mula sa Ideal Vision.

Kung nasa edad 15-50 ka, sali na! Samahan ang iyong lolo, lola, o magulang na 60 anyos pataas at gumawa ng video na 15 hanggang 60 seconds. Ipakita lang kung paano mo sila tinuturuan na maging techie gaya ng paggawa ng social media account, paggamit ng bagong apps, pag-compose ng mga instant message, at marami pang iba. Basta gawin itong exciting at genuine. Kapag ready na, i-tag ang @globeofgood sa TikTok at gamitin ang hashtags na #SeniorDigizen.

Game ka na ba? Bumisita sa mga official social channels ng Globe sa Facebook: .facebook.com/globeofgood at sa TikTok: tiktok.com/@globeofgood para sa full mechanics.