By Dang Samson-Garcia
TULUYAN nang natuldukan ang uniteam.
Ito ang paniniwala ni Senador Chiz Escudero kaugnay sa relasyon ngayon nina Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Escudero na ito ay kahit pa dumalo ang Bise Presidente sa mga rally ng Bagong Pilipinas sa Maynila at sa Davao City na pinangunahan naman ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Escudero, 98 o 99 percent nang buwag ang uniteam at ang pagdalo rin ni VP Sara sa prayer rally sa Davao na pinangunahan ng kanyang pamilya ay maliwanag na nagwakas na ang pagkakaisa sa pagitan ng Pangulo at ng Bise Presidente.
Aniya, bagama’t nagsalita ang Vice President sa rally sa Davao kagabi, ang presensiya niya sa lugar ay patunay na nakikiisa siya sa mga maaanghang na salita na binitawan, lalo na ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Escudero na nagsimula ang lamat sa relasyon ng dalawang lider ng bansa nang magpanukala si Pangulong Marcos ng confidential funds para sa Office of the Vice President na kalaunan ay ikinasama pa ng Bise Presidente at hindi man lang pumalag o pumosisyon dito ang Pangulo.
Iginiit pa ni Escudero na dapat nang rendahan ni Pangulong Marcos ang kanyang pinsan na si House Speaker Martin Romualdez at huwag sanang ipagkibit-balikat lang ng Presidente ang nangyayari dahil tiyak na babalik sa kanya ito at aakalain ng marami na pumapayag siya sa isinusulong na pekeng People’s Initiative.