Ni Liezelle Soriano
MANILA — Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na aabot sa 177 ang bilang ng mga pulis sa National Capital Region (NCR) na ipinagharap ng mga kasong may kinalaman sa droga noong 2023.
Kabilang sa mga ikinaso ang pagtatanim ng ebidensiya, unlawful arrest at excessive force.
“Alam naman natin na kung minsan, nadadala ang ating mga opisyal at siyempre hindi natin maaaring pabayaan ‘yan. Kaya ang nangyari ay 177 police officers have been charged with drug-related offenses, including the planting of evidence, unlawful arrests, and excessive violence, dito palang sa NCR,” ayon kay Marcos.
Binigyang-diin ng Pangulo na ang laban kontra ilegal na droga ay paiigtingin pa ngayong taon.
Nauna nang sinabi ni Marcos na tutugunan niya ang isyu sa ilegal na droga sa pamamagitan ng treatment at rehabilitation.
Dagdag pa niya, aabot sa 121,582 ang bilang ng mga nakulong dahil sa mga kasong may kinalaman sa droga mula nang magsimula ang kanyang termino noong 2022.
(el Amigo/MNM)