Tahasang sinabi ng rice retailer na ito na si Ma’am Jo ng Novaliches, Quezon City (makikita sa video) na ang price caps na itinakda ng pamahalaan ay maituturing na isang “BENTANG PALUGI.”
Sa isang maikling panayam ng Maharlika New Media, inilahad niya ang masamang epekto ng Executive Order 39 o ang batas na nagtatakda ng rice price ceiling.
Dapat, aniya, ay simulan ito mula sa itaas pababa at hindi mula sa kanila na may maliliit na tindahan lamang.
Nagdulot, aniya, ito ng malaking pagkabahala at pagkalugi sa gaya nilang mga negosyante.
Sinabi rin niya na bago ipatupad ang EO 39, dapat inabisuhan muna at binigyan sila ng pambentang bigas na maaaring ipagbili sa mga itinakdang presyo ng pamahalaan.
Aniya, ang mga may-ari ng bigasan ay P41 lamang ang benta sa dapat sana ay P45 kada kilo at P45 naman sa bawat kilo ng bigas na dapat sana ay P48.
Dagdag pa niya, mas kritikal ang sitwasyon ng bigas sa kasalukuyan kumpara sa nagdaang administrasyon ni Duterte. (Video at teksto ni Benjamin Cuaresma/ai/mnm)