Ni Liezelle Soriano
SINABI ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na maaaring alisin ng pamahalaan ng Pilipinas ang floating barrier na nasa timog-silangang bahagi ng Scarborough Shoal kung ito ay nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ).
“Well, if it is within our economic zone, exclusive economic zone, then we will just declare it to be such and that it’s a violation of our right to exclusive economic zone, and we can remove the same,” ani Remulla.
Naglagay ang Chinese Coast Guard (CCG) ng floating barrier sa timog-silangang bahagi ng Scarborough Shoal.
Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang floating barrier, na tinatayang may haba na halos isang kilometro, ay nakita ng mga tauhan nito at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong Biyernes, Setyembre 22, 2023.
Binigyang-diin ni Remulla ang barrier ay nakasagabal sa mga aktibidad ng bansa.
“That’s interfering with something that has been granted to us in accordance with the United Nations Convention on the Law of the Sea. If it is within our exclusive economic zone, then that is an interference in our activities,” ayon kay Remulla. (ai/mnm)