TAHASANG sinabi ni Mang Albino, isang rice retailer sa Quezon City, na ang ayudang P15,000 na ipinamahagi
ng gobyerno nitong nakaraang Sabado ay nakatulong ngunit hindi, aniya, sapat.
Ayon pa sa kanya, may mga tauhan siyang pinapasuweldo, trucking cost at puwesto na binabayaran.
Sa isang panayam naman sa isa pang rice retailer na si Andy Domingo, sinabi niya na ang ipinamahaging P15K na kanyang tinanggap ay nakatulong naman at ayon pa sa kanya ay maraming mga consumers ang masaya.
Samantala, ayon naman kay Mang Arnaldo lnigo ng North Caloocan, hindi naman siguro kailangan pa ng ayuda at aniya pa, dapat ang gobyerno na lamang ang namigay ng bigas at hindi na dinadaan sa mga retailer.
Matatandang naipamahagi na sa ilang rice retailers na apektado ng price cap ang P15, 000
na ayuda mula sa gobyerno, ngunit marami ang hindi sang-ayon dito.
Umaalingawngaw naman na “KULANG” ang tugon sa ayudang natanggap ng ilang maliliit na rice retailers.
Ang video ng ilan sa mga interview ng Maharlika NuMedia ay matutunghayan dito.
(Benjamin Cuaresma/ai/mnm)